Magandang Philippines

Isaias 55:11 Gayundin naman ang mga salita na lumalabas sa aking bibig, ang mga ito'y hindi babalik sa akin na walang katuturan. Tutuparin nito ang aking mga balak, at gagawin noto ang aking ninanais.

2 Timoteo 3:16-17 Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapakipakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay,

upang ang lingkod ng Diyos ay maging ganap at handa sa lahat ng mabubuting gawain.

2 Pedro 1:19-21 Kaya naman lalong tumibay ang aming paniniwala sa ipinahayag ng mga propeta. Makakabuti na ito'y pag-ukulan ninyo ng pansin, sapagkat tulad ito sa isang ilaw sa kadiliman na tumatanglaw sa inyo hanggang sa sumikat ang araw ng Panginoon at magliwanag sa inyong mga puso ang bituin sa umaga.

Higit sa lahat, unawain ninyong walang makapagbibigay ng sariling pagpapakahulugan sa alinmang propesiya sa Kasulatan,

sapagkat ang pahayag ng mga propeta ay hindi nagmula sa kalooban lamang ng tao; ito'y galing sa Diyos at ipinahayag ng mga taong nasa italim ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

How to hear and understand the Gospel

ANG Sagot ng Diyos kay Job

Job 38:1-3 Pagkatapos nito, sumagot ang Diyos kay Job sa pamamagitan ng malakas na bagyo,

"Sino kang mag-aalinlangan sa aking kaalaman? Lalo lamang lumilitaw ang iyong kamangmangan.

Tumayo ka riyan at magpakalalaki, tanong ko'y sagutin, ikaw ay magsabi.

Ang Kapahayagan ng Kapangyarihan ng Diyos

Job 40:6-7 Buhat sa bagyo, sinagot ni Yahweh si Job,

"Tumayo ka ngayon at magpakalalaki, tanong ko'y sagutin, ikaw ay magsabi.

Job 42:4-7 Sinabi ninyong papakinggan ko ang iyong sasabihin, at ang iyong mga tanong ay aking sasagutin.

Noo'y nakilala ko kayo dahil sa sinabi ng iba, subalit ngayo'y nakita ko kayo ng sarili kong mga mata.

Kaya ako ngayon ay nagsisisi, ikinahihiya lahat ng sinabi, sa alabok at abo, ako ay nakaupo."

Pagkasabi nito kay Job, si Elifaz na Temaneo naman ang hinarap ni Yahweh. Sinabi niya, "Matindi ang galit ko as iyo at sa dalawa mong kaibigan sapagkat hindi ninyo sinabi ang katotohanan tungkol sa akin tulad nang ginawa ni Job.

Roma 10:14-17 Paano naman sila tatawag sa kanya kung hindi sila sumasampalataya? Paanno sila sasampalataya kung wala pa silang napalinggan tungkol sa kanya? Panno naman sila makakapakinig kung walang mangangaral sa kanila?

At paanong makakapangaral ang sinuman kung hindi siya isinugo? Tulad ng nasusulat, "O kay gandang pagmasdan ang pagdating ng mga nagdadala ng Magandang Balita!"

Ngunit hindi lahat ay sumunod sa Magandang Balita, paya ng sinulat ni Isaias, "Panginoon, sino ang naniwala sa aming ibinalita?"

Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo.

Gawa 26:17-18 Ihiligtas kita mula sa mga kababayan mong Judio at gayundin sa mga Hentil kung saan kita isusugo.

Imumulat mo ang kanilang mga mata, ibabalik sila sa kaliwanagan mula sa kadiliman, ililigtas sila sa kapangyarihan ni Satanas at ibabalik sa Diyos. At sa pamamagitan ng pananampalataya nila sa akin, sila'y patatawarin sa kanilang mga kasalanan at mabibigyan ng lugar kasama ng mga taong ginawang banal ng Diyos.' "

Roma 15:4-7 Anumang nasa Kasulatan noon pang una ay nasulat sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at sa pagpapalakas ng loob mula sa kasulatan ay magkaroon tayo ng pag-asa.

Ipagkaloob nawa ng Diyos, na siyang nagbibigay sa atin ng katatagan at lakes ng loob, na kayo'y mamuhay nang may pagkakaisa ayon kay Cristo Jesus,

upang sa gayon, nagkakaisa kayong magpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Ang Magandang Balita ay para rin sa mga Hentil

Kung paanong kayo'y malugod na tinanggap ni Cristo, tanggapin ninyo ang isa't isa upang mapapurihan ang Diyos.
Magandang Philippines Isaias 55:11 Gayundin naman ang mga salita na lumalabas sa aking bibig, ang mga ito'y hindi babalik sa akin na walang katuturan. Tutuparin nito ang aking mga balak, at gagawin noto ang aking ninanais. 2 Timoteo 3:16-17 Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapakipakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay maging ganap at handa sa lahat ng mabubuting gawain. 2 Pedro 1:19-21 Kaya naman lalong tumibay ang aming paniniwala sa ipinahayag ng mga propeta. Makakabuti na ito'y pag-ukulan ninyo ng pansin, sapagkat tulad ito sa isang ilaw sa kadiliman na tumatanglaw sa inyo hanggang sa sumikat ang araw ng Panginoon at magliwanag sa inyong mga puso ang bituin sa umaga. Higit sa lahat, unawain ninyong walang makapagbibigay ng sariling pagpapakahulugan sa alinmang propesiya sa Kasulatan, sapagkat ang pahayag ng mga propeta ay hindi nagmula sa kalooban lamang ng tao; ito'y galing sa Diyos at ipinahayag ng mga taong nasa italim ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. How to hear and understand the Gospel ANG Sagot ng Diyos kay Job Job 38:1-3 Pagkatapos nito, sumagot ang Diyos kay Job sa pamamagitan ng malakas na bagyo, "Sino kang mag-aalinlangan sa aking kaalaman? Lalo lamang lumilitaw ang iyong kamangmangan. Tumayo ka riyan at magpakalalaki, tanong ko'y sagutin, ikaw ay magsabi. Ang Kapahayagan ng Kapangyarihan ng Diyos Job 40:6-7 Buhat sa bagyo, sinagot ni Yahweh si Job, "Tumayo ka ngayon at magpakalalaki, tanong ko'y sagutin, ikaw ay magsabi. Job 42:4-7 Sinabi ninyong papakinggan ko ang iyong sasabihin, at ang iyong mga tanong ay aking sasagutin. Noo'y nakilala ko kayo dahil sa sinabi ng iba, subalit ngayo'y nakita ko kayo ng sarili kong mga mata. Kaya ako ngayon ay nagsisisi, ikinahihiya lahat ng sinabi, sa alabok at abo, ako ay nakaupo." Pagkasabi nito kay Job, si Elifaz na Temaneo naman ang hinarap ni Yahweh. Sinabi niya, "Matindi ang galit ko as iyo at sa dalawa mong kaibigan sapagkat hindi ninyo sinabi ang katotohanan tungkol sa akin tulad nang ginawa ni Job. Roma 10:14-17 Paano naman sila tatawag sa kanya kung hindi sila sumasampalataya? Paanno sila sasampalataya kung wala pa silang napalinggan tungkol sa kanya? Panno naman sila makakapakinig kung walang mangangaral sa kanila? At paanong makakapangaral ang sinuman kung hindi siya isinugo? Tulad ng nasusulat, "O kay gandang pagmasdan ang pagdating ng mga nagdadala ng Magandang Balita!" Ngunit hindi lahat ay sumunod sa Magandang Balita, paya ng sinulat ni Isaias, "Panginoon, sino ang naniwala sa aming ibinalita?" Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo. Gawa 26:17-18 Ihiligtas kita mula sa mga kababayan mong Judio at gayundin sa mga Hentil kung saan kita isusugo. Imumulat mo ang kanilang mga mata, ibabalik sila sa kaliwanagan mula sa kadiliman, ililigtas sila sa kapangyarihan ni Satanas at ibabalik sa Diyos. At sa pamamagitan ng pananampalataya nila sa akin, sila'y patatawarin sa kanilang mga kasalanan at mabibigyan ng lugar kasama ng mga taong ginawang banal ng Diyos.' " Roma 15:4-7 Anumang nasa Kasulatan noon pang una ay nasulat sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at sa pagpapalakas ng loob mula sa kasulatan ay magkaroon tayo ng pag-asa. Ipagkaloob nawa ng Diyos, na siyang nagbibigay sa atin ng katatagan at lakes ng loob, na kayo'y mamuhay nang may pagkakaisa ayon kay Cristo Jesus, upang sa gayon, nagkakaisa kayong magpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Ang Magandang Balita ay para rin sa mga Hentil Kung paanong kayo'y malugod na tinanggap ni Cristo, tanggapin ninyo ang isa't isa upang mapapurihan ang Diyos.
0 Comments 0 Shares 4 Views