Ang Pagsubok sa Pananampalataya
By: Bro. Mark Jun
Pinagpala ang taong nananatiling tapat sa gitna ng mga pagsubok sapagkat pagkatapos niyang mapagtagumpayan ang pagsubok, tatanggap siya ng putong ng buhay na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa Kanya." (Santiago 1:12)
Mga kapatid, ang pananampalataya ay pagtitiwala sa Diyos at sa Kanyang mga pangako. Ngunit bakit sinusubok ng Diyos ang ating pananampalataya?
Hindi dahil hindi Niya tayo kilala, kundi upang tayo ay mapatatag at lumago sa ating paglakad kay Cristo. Ayon sa Santiago 1:2-4, ang pagsubok sa pananampalataya ay nagbubunga ng pagtitiis at espirituwal na pag-unlad.
Ang mga pagsubok ay maaaring dumating sa anyo ng karamdaman, kakulangan, o iba pang suliranin sa buhay. Hindi lahat ng paghihirap ay ipinadadala ng Diyos, ngunit kaya Niyang gamitin ang mga ito upang ilapit tayo sa Kanya at palakasin ang ating pananampalataya.
Una, pinahihintulutan ng Diyos ang mga pagsubok upang tayo ay umunlad. Ang mga ito ay pansamantala lamang, ngunit ang mga aral na dulot nito ay may pangmatagalang bunga.
Pangalawa, nahahayag sa pagsubok ang tunay na kalagayan ng ating pananampalataya. Kapag dumarating ang hirap, natututo tayong magtiwala nang higit sa Panginoon.
Pangatlo, nais ng Diyos na mapalapit tayo sa Kanya. Sa gitna ng mga problema, ang ating unang takbuhan ay dapat ang Diyos sa pamamagitan ng panalangin at pagtitiwala sa Kanyang Salita.
Kaya huwag tayong mawalan ng pag-asa sa panahon ng pagsubok. Manatili tayong tapat kay Jesus at matatag sa Kanyang Salita. Bilang mga tagasunod ni Jesus, lagi nating balikan ang katuruan ng Bagong Tipan at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos.
Sapagkat ang mga nananatiling tapat hanggang wakas ay tatanggap ng putong ng buhay na ipinangako ng Panginoon.
#goodnewsministry
#biblesharing
#visitation
#restoration